Madilim ang salamin, nagtatagong mga bituin Sa likod ng ulap at 'di ko maamin Nakasimangot ang buwan Sumisinag, maliwanag, tila bakit 'di ko ramdam? 'Di ko maintindihan Sana'y nakikita ng 'yong mata sinta Kung sa'n sinubukan ko Kung sa'n sinukuan ko Pundido na ang sikat ng araw Nakakabulag sa paningin Nananatiling takipsilim Naghihintay sa langit Mga hiling 'di na tanaw Bilang na ba'ng mga bulalakaw? 'Di ko maintindihan Sana'y nakikita, ng 'yong mata sinta Kung sa'n sinubukan ko Kung sa'n sinukuan ko Sana'y naririnig, mula sa daigdig Langit ba talaga ang siyang magpapasya Sansinukob, sa'n susuko Sansinukob, sa'n susuko Ang bawat apak at bakas Mga tinahak na landas Lumihis ba ang daan? O sadyang 'di lang tinadhana Ang bawat apak at bakas Mga tinahak na landas Lumihis ba ang daan? O sadyang 'di lang tinadhana