Noon pa man ay nadama
Laging hanap-hanap ka
'Di mapalagay 'pag katabi kita

'Wag ka sanang mabigla
'Di na makaya pa
Ako sa puso mo'y lumapit na

Paulit-ulit kong sasabihin sa 'yo, minamahal kita
Paulit-ulit na sasambiting iniibig kita
Kahit ano pa mang
Hadlang ang dumating
Ang puso ko'y sa 'yo pa rin

Paulit-ulit kong ipadaramang
Ikaw na nga, sinta
Na sa buhay ko sa t'wina'y
Nagbibigay saya
Laging kasama ka
Sa dalangin ko t'wina
Paulit-ulit na mamahalin kita

Kay tagal nang nadama
Nasa panaginip pa
Doon ay yakap-yakap kita

Hindi na mapigil pa
Tatanggapin mo ba
Kung ako sa puso mo'y
Lumapit na?

Paulit-ulit kong sasabihin sa 'yo, minamahal kita
Paulit-ulit na sasambiting iniibig kita
Kahit ano pa mang
Hadlang ang dumating
Ang puso ko'y sa 'yo pa rin

Paulit-ulit kong ipadaramang
Ikaw na nga, sinta
Na sa buhay ko sa t'wina'y
Nagbibigay saya
Laging kasama ka
Sa dalangin ko t'wina
Paulit-ulit na mamahalin kita

Paulit-ulit kong sasabihin sa 'yo, minamahal kita
Paulit-ulit na sasambiting iniibig kita
Kahit ano pa mang
Hadlang ang dumating
Ang puso ko'y sa 'yo pa rin

Paulit-ulit kong ipadaramang
Ikaw na nga, sinta
Na sa buhay ko sa t'wina'y
Nagbibigay saya
Laging kasama ka
Sa dalangin ko t'wina
Paulit-ulit na mamahalin kita

Paulit-ulit na mamahalin kita
Paulit-ulit na mamahalin kita