Ayaw daw sa akin ng iyong magulang Ayaw daw sa akin ng inyong angkan Hindi raw tayo bagay at 'di dapat magkita Masyado kang mayaman at ako'y walang pera Kung labag sa batas ang ibigin ka Ipakulong mo na ako at bigyan ng mahabang sentensiya At kung pwede lang naman ang gawin mong kulungan Ay ang bisig mong puno ng lambing na walang hangganan Kung labag sa batas ang ibigin ka Wala nang halaga ang buhay ko Kung makakawala ka pa Pag-ibig kong tunay 'di dapat pagdudahan Pag-ibig kung bakit ako ay sinisira Pag-ibig kong tunay ay napakasakit (Kuya Eddie) Huwag ko raw pilitin ang hindi nararapat Marami daw ang ibon at malawak ang gubat Hindi raw tayo bagay at 'di dapat magsama May edad na raw ako at ikaw ay bata pa Kung labag sa batas ang ibigin ka Ipakulong mo na ako at bigyan ng mahabang sentensiya At kung pwede lang naman ang gawin mong kulungan Ay ang bisig mong puno ng lambing na walang hangganan Kung labag sa batas ang ibigin ka 'Di bali nang mabawi'ng buhay ko Kung makakawala ka pa Oh huwag daw bulabugin ang tahimik mong buhay Ilibing ko raw sa limot tiisin ko ang lumbay Sobra daw ang ganda mo at 'di bagay sa akin 'Di ba nila alam walang pangit sa dilim Kung labag sa batas ang ibigin ka Ipakulong mo na ako at bigyan ng mahabang sentensiya At kung pwede lang naman ang gawin mong kulungan Ay ang bisig mong puno ng lambing na walang hangganan Kung labag sa batas ang ibigin ka 'Di bali nang mabawi'ng buhay ko kung makakawala ka pa Oh paano hanggang dito na lang Magkita na lang tayo sa mata