'Di ba sabi mo na walang hanggan? Ang ating suyuan at lambingan Ngunit bakit parang bigla na lang Wala na ang apoy sa'yong mga labi? 'Di ba tayo ay nagsumpaan pa? (Sumpaan pa) Na tayo'y para sa isa't isa (Isa't isa) Ngunit bakit ang pagmamahalan Bigla mong binawi, puso ko'y kay hapdi? Parang hatinggabi ang kulay ng buhay ko At 'di malaman kung saan tutungo Nasaan na ang liwanag Nasaan na ang ligaya na dating nadama 'Di ba sabi mo na ako lamang? (Ako lamang) Ang para sa iyo at iyo lamang (Iyo lamang) Ngunit bakit parang bigla na lang Ako'y pinalitan, ako ay iniwan? Parang hatinggabi ang kulay ng buhay ko At 'di malaman kung saan tutungo Nasaan na ang liwanag Nasaan na ang ligaya na dating nadama Parang hatinggabi (Parang hatinggabi) Ang kulay ng buhay ko (Ang kulay ng buhay ko) At 'di malaman kung saan tutungo Oh, nasaan na ang liwanag Nasaan na ang ligaya na dating nadama Wala nang apoy sa iyong mga labi Wala nang sigla sa ating pag-ibig Ooh, wala nang apoy, wala nang lambing Ooh, nasaan na ang dating pag-ibig