Tahimik at nag-iisa Paminsa'y nakatulala Wala nang pake sa iba Sakit ay balewala Tahimik at nag-iisa Sarili'y 'di kinumpara Sa ingay ng aking paligid Hindi na 'ko matutumba Ang mga huni sa bintana'y senyales ng pag-ulan Pwede ding hudyat ng araw sa gitna ng karagatan Gustong matanaw ang langit ngunit kadiliman Ang bumalot sa isipan, ano ang paniniwalaan? Nasan ang katotohanan? Kamusta ka na anak? Kamusta na ang pakiramdam, mabigat ba anak? Nakita kang nakahandusay at wala ng malay Nung nakarinig ako ng malakas na ingay Ay tinawag si Tatay at ika'y inakay dito sa ospital at Matagal, tagal na proseso bago nakahinga na Parang pakiramdam ng ika'y aking niluwal Napaikot na ng apat na beses Ang hawak kong rosaryo kakadasal Alam kong 'di mo pa alam ang gagawin Huwag kang mag-alala, si Inay na ang magsisilbing Espada't baluti sa mga mamang nakaitim Dahil ang iyong sugat ay siyang aking mga sugat din Kaya kamusta ka na anak? Meron bang bumabagabag sa'yong isipan anak? Aking papakinggan Kumapit sa bato't nahulog sa patibong niya Muntik malunod at malagutan ng hininga Ako'y gumapang sa banyo't laso'y ibinuga Nung tumingin sa salamin, sarili'y 'di na kilala At nung nakita'y parang nag-iba Ali ika'y tumaba, ego ko ay nauga, bumaba Sambit nilang sa dalaga'y huwag mapariwara Kabawasan sa pagkalalaki 'pag ika'y naluha Ngayon 'di matiyak, ano ba talagang problema? Sa babae, pagkalalaki o lulong sa droga? Sa kakaisip nawalan na'ko ng gana Tinaguan ang mundo sa pagtulog ko na lang nakikita Inay, 'di ko ginustong mapasama Nais ko lang mapamanhid ang matang nagluluha At kung bumuhos man ang baha Inay, tulong 'di ko na alam kung sa'n ako magsisimula Ang mga huni sa bintana'y senyales ng pag-ulan Pwede ding hudyat ng araw sa gitna ng karagatan Gustong matanaw ang langit ngunit kadiliman Ang bumalot sa isipan, ano ang pani Niwalaan mo lahat ng sinasabi ko anak Paniwalaan ang sarili mo anak Hindi ikaw ang kamalian mo anak Makinig ka sa ipapayo ko anak Sige, ano na ba ang iyong nararamdaman? Mabuti ba 'nung binahagi mo ay gumaan Kasama sa laro ng pag-ibig ang masaktan Maging pangaral ang mga nakaraan Sa prinsipyo ng iba'y 'wag kang mabubuyo 'Lang ibang katulad mo, mapaalak o damo Itaga man sa bato, panandaliang lunas lang lahat ng 'to May buhay kang nabago nung binago ang sarili mo Kapalaran ay laging sinusugal Lamang sa biyaya, o lamang ka sa dasal Aakapin ng buo ng Poong Maykapal Babaguhin ng puso ang pagmamahal Kung ano ang siyang nasa isip, katotohanan Kung ano ang siyang nasa isip, katotohanan Paulit-ulit mong sabihin dahil kung ano iyong Iniisip siyang iyong katotohanan Kung ano ang siyang nasa isip, katotohanan Kung ano ang iyong iniisip, katotohanan Kung sa ngayon ay magulo ay manalangin lang Balang araw ang lahat ay iyong maintindihan Kaya ngayon, ano ang iyong iniisip? Kaya anak, ano ang iyong nasa isip?