Naririnig ko pa ang tinig niya
Nababanaag ang ngiti sa kanyang mukha
Bawat oras hanap-hanap ka
Baka sakaling masilayan pa

Kailan pa makikita
Muli sana'y mayakap ka
Kailan pa madarama
Pagmamahal na galing sa kanya

Siya ang nagbigay-buhay
Pag-asa sa pusong uhaw
Hinding-hindi maiaalay ng kahit sino man
At sa aking paglalakbay
Aasa pang ika'y masisilayan
Ika'y masisilayan
Sa bukas pa na darating
Pag-ibig ay makakamtan

Hindi mawawalay sa isipan
Kasama ka patungo kung saan
Dulot mo'y ligaya na walang hanggan
Iyong pabaon ang aking gabay

Kailan pa makikita
Muli sana'y mayakap ka
Kailan pa madarama
Pagmamahal na galing sa kanya

Siya ang nagbigay-buhay
Pag-asa sa pusong uhaw
Hinding-hindi maiaalay ng kahit sino man
At sa aking paglalakbay
Aasa pang ika'y masisilayan
Ika'y masisilayan
Kahit takutin pa ng kailanman

Siya ang nagbigay-buhay
Pag-asa sa pusong uhaw
Hinding-hindi maiaalay ng kahit sino man
At sa aking paglalakbay
Aasa pang ika'y masisilayan
Ika'y masisilayan
Sa bukas pa na darating
Pag-ibig ay makakamtan