Kapag nag-iisa at napapaisip ka Huwag na huwag mong hahayaan Malungkot sa mga pinagdaanan Manaog at silipin ang buwan at bituin Sumabay sa huni ng mga pipit At ako'y iyong hintayin Yakapin natin ang gabi Ipihit ang mga binti Kalimutan lahat ang mga pighati Damhin ang bawat sandali Sisikat din ang haring araw May panibagong yugto Na sayo'y nag-aabang Kaya't huwag manghinayang (manghinayang) Pagkat may bagong-araw (bagong-araw) Kaya't huwag manghinayang (manghinayang) Pagkat may bagong-araw (bagong-araw) Kapag nangangamba at hindi mapakali Sa mga bukas na paparating Tiyak na maiibsan natin Umikot na ang plaka Tangnan ang aking bisig Sabay sa ritmo ng ating dibdib Halina't sayawin Yakapin natin ang gabi Ipihit ang mga binti Kalimutan lahat ang mga pighati Damhin ang bawat sandali Sisikat din ang haring araw May panibagong yugto Na sayo'y nag-aabang Kaya't huwag manghinayang (manghinayang) Pagkat may bagong-araw (bagong-araw) Kaya't huwag manghinayang (manghinayang) Pagkat may bagong-araw Mapanlinlang ang kalungkutan, lumaban ka Mapagbalatkayo ang panghihinayang Tanggapin mo lang lahat ang hindi natin mababago Pagka't ang buhay ay sadyang ganyan Yakapin natin ang gabi Ipihit ang mga binti Kalimutan lahat ang mga pighati Damhin ang bawat sandali Sisikat din ang haring araw May panibagong yugto Na sayo'y nag-aabang Kaya't huwag manghinayang (manghinayang) Pagkat may bagong-araw (bagong-araw) Kaya't huwag manghinayang (manghinayang) Pagkat may bagong-araw (bagong-araw)