Isang dapit-hapon sa tabing-dagat Sa aking paglalakad 'Di ko maiwasang mapansin ang mga bagay-bagay Ang hangin na masuyod na dumadampi Sa aking mga pisngi, hmm, at bumubulong Ang araw na sumisilip sa mga ulap na animo'y matang Nag-aabang kung sino ang aking hinihintay "Nasaan na sya?" Para bang nagtatanong Ang mga bagay na dati nating kasama at kapiling "Nasaan na sya, naalala mo pa ba noon?" Kung paano nabuo ang pag-ibig sa tabing-dagat Ang mga alon na para bang nagtatawag ng pansin Sa aking mga binti'y, hmm, naglalambing Mga buhanging nagtataka sa aking mga bakas ng paa Na dati-rati, oohh, ay may katabi "Nasaan na sya?" Para bang nagtatanong Ang mga bagay na dati nating kasama at kapiling "Nasaan na sya, naalala mo pa ba noon?" Kung paano nabuo ang pag-ibig sa tabing-dagat Kung paano nabuo ang pag-ibig sa tabing-dagat