Nasa'n Ka

Ogie Alcasid

Minsan tayo ay nagmahalan
Minsan ang pag-ibig mo'y naging akin lamang
Bawat araw na nagdaraan
Akala'y di magwawakas, parang walang bukas

Ngunit lumipas ang ilang taon
Ako'y nag-iisa na lang ngayon

Nasa'n ka, nasa'n ka?
Bakit mo ako iniwan?
Giliw, ba't ka nagpaalam?
Hanggang ngayon, mahal kita
Lagi kang naaalala, lagi kang hinahanap
Nasa'n ka?

Minsa'y 'di mapigil ang luha
Minsan, madalas pa nga'y lagi nang tulala
Parang ang mundo'y magugunaw
Sa lungkot ko, ang tanging lunas ay ikaw

Giliw, kung ako ay naririnig
Ako sana'y muli mong mahalin

Nasa'n ka, nasa'n ka?
Bakit mo ako iniwan?
Giliw, ba't ka nagpaalam?
Hanggang ngayon, mahal kita
Lagi kang naaalala, lagi kang hinahanap
Nasa'n ka?

Nasa'n ka, nasa'n ka?
Bakit mo ako iniwan?
Giliw, ba't ka nagpaalam?
Hanggang ngayon, mahal kita
Lagi kang naaalala, lagi kang hinahanap
Nasa'n ka?