Alam kong nasaktan ka na dati
Nagmahal at nasawi, nabigo sa pag-ibig
Tahan na, giliw, 'wag nang lumuha
Kalimutan mo na siya, sa 'kin ay lumapit ka

Kung ika'y nalulungkot
At isip mo'y gusot-gusot
Sana ay dinggin ang sasabihin ko

Kaibigan mo ako, nalalaman mo ba ito?
Sa lahat ng oras ay maaasahan mo
Kahit na nag-iisa ay laging may kasama ka
Ngalan ko'y tawagin mo, kaibigan mo ako

Ganyan lang talaga ang pag-ibig
Kahit na anong gawin
May masasaktan pa rin

Kung ika'y nalulungkot
At isip mo'y gusot-gusot
Sana ay dinggin ang sasabihin ko

Kaibigan mo ako, nalalaman mo ba ito?
Sa lahat ng oras ay maaasahan mo
Kahit na nag-iisa ay laging may kasama ka
Ngalan ko'y tawagin mo, kaibigan mo ako
Kaibigan mo ako, nalalaman mo ba ito?
Sa lahat ng oras ay maaasahan mo
Kahit na nag-iisa ay laging may kasama ka
Ngalan ko'y tawagin mo, kaibigan mo ako