Kulayan Natin

Munimuni

Natuto na akong
Pakinggan
Ang ihip ng hanging
Dati'y hindi kakilala

Sa bawat bugso
Ating natutuklasan
Ang awit sa 'tin
Ng tadhana

Kulayan natin
Ng awit o tula
Ang mga araw
Na makulimlim

Natuto na akong
Salubungin
Alon ng buhay ay
Dati kinatatakutan

Sa bawat hampas
Ating natutuklasan
Iisa ang langit
Na natatanaw

Kulayan natin
Ng ngiti at tawa
Ang mga araw
Na makulimlim

Kulayan natin
Ng awit o tula
Ang mga araw
Na makulimlim

Kulayan natin
Ng ngiti at tawa
Ang mga araw
Na mataimtim