Madilim ang araw Ang daan ay tila walang hangganan Kung walang gabay Kailan kaya makakauwi Sa búhay na bangungot Ginapos ang puso't isip Di makapiglas Dinggin ang aking tangis Bukas makalawa, sana bukas makawalá Sa pasaning binuhat mag-isa Sana bukas makawalá Ano ang katotohanan? Sino ang paniniwalaan? Anong mapapala Sa aking hinagpis Bawat hakbang papalapit Ay dalawang hakbang papalayo Paulit-ulit lang pagbubuntong-hininga Bukas makalawa, sana bukas makawalá Sa eksenang nakabisa Sana bukas makawalá Bawat pasanin Ilalatag sa iyong paanan Saliw ng Iyong pag-ibig aking Aking Aking sasabayan Bukas makalawa Bukas makalawa