Kung nakikita mo lang ang aking namamasdan Mapapawing lahat nang gulo sa iyong isipan Meron palang nilalang na papantay Sa bighaning taglay ng buwan Dala ay himbing gaya ng paboritong unan Kung hahayaan mo lang na ako ay mapagbigyan Ipapangako sa'yo kailanma'y 'di ka iiwan Hindi man tiyak ang dala ng paghihintay Lahat pa rin ay isusugal Hanggang ang pangalan ko ay maging pangalan mo 'Di ko man magawang sabihin Pipilitin kong hanapin Kung dati'y palagi ko nalang nililihim Alam kong ngayon hindi na magkakamali Kung sa iba mababaling ang iyong pagtingin Walang ibang masisisi kundi aking sarili Puno man ng kaba ang damdamin ko Kalabanin man ako ng buong mundo Gusto ko lang namang patunayan sa iyo Na ang isang tulad mo ay tinatangi ko 'Di ko man magawang sabihin Pipilitin kong hanapin Kung dati'y palagi ko nalang nililihim Alam kong ngayon hindi na magkakamali 'Di ko man magawang sabihin Pipilitin kong hanapin Kung dati'y palagi ko nalang nililihim Alam kong ngayon hindi na magkakamali 'Di ko man magawang sabihin Pipilitin kong hanapin Kung dati'y palagi ko nalang nililihim Alam kong ngayon hindi Alam kong ngayon hindi Alam kong ngayon hindi na magkakamali