'Di maisantabi Paikot-ikot lang sa kama't nakatitig Sa telepono na dati rati'y ngalan mo Ang laging nananaig Ilang minuto Oras, araw, buwan, taon pa ang hihintayin Hanap ko lang kahit minsan ako ay mapansin Kahit alam ko nang 'di ka naman akin Dahil kung wala naman Di 'wag na lang Ilang beses rin naman nang nasaktan Kung ito nalang ang ating daraanan 'Di bale na lang 'Di bale na lang Ayoko nang magmahal Kamakailan lang Ako ang una mong takbuhan tuwing naiinip Magkukuwento ng gusto't aking ihahatid Para lang mapangiti Ngunit kahapon Bawat pangungusap ay parang minadali Tinuldukan ang usapan lahat ay nawaglit Ramdam ko nang 'di talaga akin Dahil kung wala naman Di 'wag na lang Ilang beses rin naman nang nasaktan Kung ito nalang ang ating daraanan 'Di bale na lang 'Di bale na lang Ayoko nang magmahal Walang patutunguhan kung umibig pang muli Kung paulit-ulit lang babagsak sa poot at pighati Ayoko nang magmahal Ayoko nang magmahal Dahil kung wala naman Di 'wag na lang Ilang beses rin naman nang nasaktan Kung ito nalang ang ating daraanan 'Di bale na lang 'Di bale na lang Dahil kung wala naman Di 'wag na lang Nakakapagod mag-isip ng paraan Kung ang tanging kasagutan ay paalam 'Di bale na lang pala Maghihintay na lang