Sa kanya-kanyang pangarap na nakipaghabulan Dati tayo-tayo lang sa gabi-gabing taguan Magtampisaw sa tag-ulan, ang kaligayahan, ambunan Kuntento na sa buhangin at sa sementong laruan Anomang dumating na problema, dedma Barya lang ang katapat ng tawang abot-tenga 'Di ko namalayan, tumakbo yung panahon Sa piling ng bawat kasabay kong mangarap noon Bakas ng kapalaran ko Nag iisang sandata 'to Bakas ng kapalaran ko Samahan mo akong lumingon sa kahapon Sabay nating hagkan ang pagsalubong ng alon Sa mga dati at ngayong nakasama Salamat sa samahan at sa alaala Oh... Ganu'n pa din ang mundo, naging makulay lang siya para sa 'kin Ako pa din 'tong kayang makisama, makitawa Magpakalango sa nakaraan nating alaala Madami mang padating na dapat pang yakapin d'yan Pagsubok sa piniling kapalaran, parte 'yan Saludo sa mga tropa na laging nand'yan Na kahit saan, para sa dagok makipasan Dating ingay ng tahanan, naging boses ng lansangan Bakas ng kapalaran ko Tangi kong sandata 'to Bakas ng kapalaran ko Tangi kong sandata 'to Samahan mo akong lumingon sa kahapon Sabay nating hagkan ang pagsalubong ng alon Sa mga dati at ngayong nakasama Salamat sa samahan at sa alaala 'Wag kang mangamba sa aking pag-alis 'Wag kang mangamba sa aking pag-alis 'Wag kang mangamba sa aking pag-alis 'Wag kang mangamba sa aking pag-alis Samahan mo akong lumingon sa kahapon Sabay nating hagkan ang pagsalubong ng alon Sa mga dati at ngayong nakasama Salamat sa samahan at sa alaala Samahan mo akong lumingon sa kahapon Sabay nating hagkan ang pagsalubong ng alon Sa mga dati at ngayong nakasama Salamat sa samahan at sa alaala