Mayro'n ka bang pangarap sumikat
At maging kilalang artista sa pelikula
Yayaman at sisikat kang walang sawa
Kung ganado ka at papayag ka halina't sama na

Sa pinilakang-tabing diyan ka makikilala
Ng mga tagahanga sa pelikuka
Yayaman at sisikat kang walang sawa
Kung ganado ka at papayag ka halina't sama na

Ang buong mundo'y naghihintay
Naghahanap ng mahahangaan
Ngunit mayro'ng katumbas kapalit ang bawat bagay
Kung handa kang ibigay ang gusto nila
Sige lang mag-artista ka

Dapat 'wag kang mahiyain kapalan ang mukha
Magbasa ka sa tubig, pakita ang hita
Ganyan ang gagawin upang maging bituin
Kung ganado ka pa at papayag ka halina't sama na

Ang buong mundo'y naghihintay
Naghahanap ng mahahangaan
Ngunit mayro'ng katumbas kapalit ang bawat bagay
Kung handa kang ibigay ang gusto nila
Sige lang mag-artista ka (Mag-artista ka, mag-artista ka)

Gusto mo bang mag-artista sa pelikula
Gusto mo bang mag-artista matsi-tsismis ka
Gusto mo bang mag-artista madiya-diyaryo ka
Gusto mo bang mag-artista makikilala ka
Gusto mo bang mag-artista sa pelikula
Gusto mo bang mag-artista matsi-tsismis ka
Gusto mo bang mag-artista