Ikaw ay nahahanap sa bawat sulok ng mundo Pagkat ang mura lang ng bayad sa talino mo Alila ng dayuhan at yaya ng kanyang anak At kung minsan naman ika'y pulutan sa alak Tinitiis mo ang lahat ng hirap at luha Upang pamilya ay makaraos at guminhawa Binabaliwala mo lamang ang sakit ng kalungkutan Nagpapasalamat pa na may pinagkakakitaan Ikaw ba'y alipin ng mundo Naiiba sa lahi mo Ulila sa pinanggalingan, alipin sa pinuntahan Kaibigan paano ka nagkaganito? Ikaw ay nasa pook maliban sa iyong bansa At ang tingin nila sa 'yo ay napakababa Pinagagawa sa 'yo ang mga ayaw nilang gawin At 'pag natapos na'ng kontrata ika'y pauuwiin Mahirap palang mabuhay na walang karapatan Nakikisuyo lang sa bawat pangangailangan Laging nag-iingat dahil wala ka sa iyong bansa Walang mapuntahan kapag ikaw ay nasita Ikaw ba'y alipin ng mundo Naiiba sa lahi mo Ulila sa pinanggalingan, alipin sa pinuntahan Kaibigan paano ka nagkaganito? Ikaw ba'y alipin ng mundo Naiiba sa lahi mo Ulila sa pinanggalingan, alipin sa pinuntahan Kaibigan paano ka nagkaganito? Mga balita mula sa ibayong dagat Sa Japan Anim na Pilipinang dancers ang nagtago sa isang Katolikong simbahan Dahil sa takot sa kanilang amo Na 'di umano'y umabuso sa kanila Ayon sa kanila Ang amo nila ay miyembro ng kinatatakutang yakuza gang Nananawagan sila sa mga Pilipinong awtoridad Na sana'y matulungan sila nang madalian Sa Saudi Arabia naman Dalawang kababayan natin na naaresto Habang sila'y nag-iinuman sa kanilang kwarto Sa Taif General Hospital Ayon sa kanilang mga kaibigan Nais lang ng dalawa na makalimot sa kanilang problemang kinahaharap 'Di umano, ang mga asawa nila sa Pilipinas ay sumama na sa iba At dala ang kanilang mga naiwang sweldo Napakasaklap naman ng kapalaran nila