Buti Pa Noon

Angela Ken

Buti pa nung bata, walang problema
Ang iniisip lang ay paano matulog ng maaga
Sinong bati sa hindi, at sermon kapag gabi umuwi
Oh kay sarap tanawin ng kahapong hindi na maibabalik

Buti pa noon, nung bata magkamali man lahat nagpaparaya
Pero ngayon ay hindi na bata at di na pwedeng bara-barang gawa
Bilin ng lola satin toto, para saiyo rin nene...
Mga pangaral ni nanay at tatay pagsisisihan pag di ka nakinig

Ohhh ohhh ohh
Pariririraririda (Buti Pa Noon)
Ohhh ohhh ohh
Pariririraririda

Huwag niyong sasamain ang bilin ni lolo sa atin
Na mas mainam habang bata'y sumunod kay mama at papa
'Pag tumanda na tayo, iba na ang ikot ng mundo...
Hindi na pwedeng sagutin ang mga bagay ng simpleng hindi't oo

Buti pa noon, nung bata magkamali man lahat nagpaparaya
Pero ngayon ay hindi na bata at di na pwedeng bara-barang gawa
Bilin ng lola satin toto, para saiyo rin nene...
Mga pangaral ni nanay at tatay pagsisisihan pag di ka nakinig

Ohhh ohhh ohh
Pariririraririda (Buti Pa Noon)
Ohhh ohhh ohh
Pariririraririda

Buti pa noon, 'nung bata magkamali, sa bahay lang pagagalitan
'Di tulad ngayon na maski isang maling sambit
Buong mundo ika'y huhusgahan...

Kaya bago maging binata at maging dalaga
Masakit kung minsan mapagsabihan, okay lang
Kung minsan matigas ang ulo, dahil para din naman satin 'to
Ito ay maghahanda sa'yo sa buhay na hindi simpleng biro