Kung meron man ako, nais marinig
Sa huni ng hangin, ay ang pangalan mo
Sintang inilaan ng kalangitan
Ikaw ba'y nariyan?
O 'di pa nag-daan?
Ang paulit-ulit kong tanong
Kanino ko ilalaan?

Paghihintay ko sa'yo
Ay parang agos ng ilog
Nandito lang ako, magmamahal sa'yo

Kung may naka-abang
Sa ati'y hahadlang
Upang makilala ang isa't-isa
Ang itinadhana ng maykapal
'Di mo na [?]

Maghihintay lamang ako
Sabay sa agos ng ilog
Nandito lang ako, magmamahal sa'yo

Kahit hindi na matamo
Ang nakalaan na pag-irog
Nandito lang ako, magmamahal sa'yo

Maghihintay lamang ako
Sabay sa agos ng ilog
Nandito lang ako, nagmamahal sa'yo

Makakarating din sa'yo
Ang inilaan na pag-irog
Makikilala mo, nagmamahal ako