Kanina ay nahuli Ang aking sarili Nakangiti nanaman At nagkukubli Ng tunay na kailanman Ay ' di ko maipagsasabi Nanaman, nanaman At pagdating sa'king tahanan ay hindi Ko nanaman mahanap aking susi Saang lupalop ko ba to naitabi Pasintabi Nanaman, nanaman Nalilito Nahihilo na sa inyo Nasaan na nga ba Ang sarili kong pagkatao Sino ba'ng may tenga sa mga bulong ko Kahit pa 'ko'y sumigaw ay malabo Ohhh, Tao po? Pakinggan nyo naman ako Bakit di nyo subukan buksan Ang bukas namang pinto Nang tuluyan nang makita nyo Tunay na ako 'Di nagtatago Sa likod ng bumubulag na ilaw na to Napapamuni-muni Sa kawalan ng huni 'Di mapapirmi aking sarili Ilaw nga ang dahilan Kung ako ngayo'y nasa'n man Ngunit kailangan kong magpahinga Patayin ang ilaw pansamantala Ohhh Bakit gan'to? Inakalang magbabago Kabayaran ba nito'y Sarili ko'y maglalaho Sino ba'ng may tenga sa mga bulong ko Kahit pa 'ko'y sumigaw ay malabo Ohhh, Tao po? Pakinggan nyo naman ako Bakit di nyo subukan buksan Ang bukas namang pinto Nang tuluyan nang makita nyo Tunay na ako 'Di nagtatago Sa likod ng bumubulag na ilaw na to Heto nanaman ako Patungo sa presinto Magiisip ng kung anu ano Kailan bang laya ko dito Heto nanaman ako Pwede bang ipagpaliban muna ng isang linggo Pwede muna bang hinto? Papalapit ako'y papalapit na Bigat sa yabag ng bawat hakbang nitong paa Patungo sa lugar kung san ayaw kong pumunta Wala na bang iba? Wala na ba? Patuloy ang aking paghahanapsa pag asa Ngunit walang saysay pa ang pagmamakaawa Ano pa ba ang kabuluhan nitong aking paghinga ahhh Sino? Sino? Sino? Sino bang may tenga sa mga bulong ko Kahit pa akoy sumigaw ay Malabo malabo Malabo ohh Sino ba'ng may tenga sa mga bulong ko Kahit pa 'ko'y sumigaw ay malabo Ohhh, Tao po? Pakinggan nyo naman ako Bakit di nyo subukan buksan Ang bukas namang pinto Nang tuluyan nang makita nyo Tunay na ako 'Di nagtatago Sa likod ng bumubulag na ilaw na to