Kung alam ko lang dati pa
Sana hindi ko na sinimulan
Masasaktan din lang pala
Luluha din lang pala
Noong una kang nakita
Akala ng puso ko ikaw na nga
Dati na akong nagmahal
Muli lang bang masasaktan?
Oh... umasa lang naman

Ang pag-ibig mo ay tila pangarap na dumating
Ngunti di pala para sa'kin
At ang yakap mo ay tila ulap na aking nakamit
Ngunit naglaho na sa paningin
Oh...
Oh...

May dumarating sa atin na
Hindi pala sa atin nakatadhana
Sandali namamasdan
Ngunit siya ay lilisan
Talagang masasaktan

Ang pag-ibig mo ay tila pangarap na dumating
Ngunti di pala para sa'kin
At ang yakap mo ay tila ulap na aking nakamit
Ngunit naglaho na sa paningin
Oh...

Tunay na pag-ibig ang nadama ko sa yo
Ngunit ika'y lumayo
At kailangan ko ng tanggapin
Tanong ko kung bakit
'Di ka pala para sa'kin
Ang hirap hirap man aminin
Kailangan ko ng tanggapin

Ang pag-ibig mo ay tila pangarap na dumating
Ngunit hindi pala para sa'kin
At ang yakap mo ay tila ulap na aking nakamit
Ngunit naglaho na sa paningin
Oh...