Hmm, hmm-hmm

Akala ko ba'y nalalaman mo at naiintindihan
Ako'y nagulat at natulala sa iyong mga iniasal

Sinong 'di mabibigla, sinong mag-aakala
Damdamin mo pala sa akin ay hindi na tulad

Ng dating damdaming puno ng paglalambing
Akala ko'y hanggang wakas ang pag-ibig mo sa akin
Ngunit ngayon, hindi na naririnig
Ang mahal kita'y hindi na binabanggit

Paano ko ba haharapin at matatanggap ito?
Kung ikaw nga ay hindi na ang dating mahal ko, oh

Sinong 'di mabibigla, sinong mag-aakala
Damdamin mo pala sa akin ay hindi na tulad

Ng dating damdaming puno ng paglalambing
Akala ko'y hanggang wakas ang pag-ibig mo sa akin
Ngunit ngayo'y hindi na naririnig
Ang mahal kita'y hindi na binabanggit
Oh, dating damdaming puno ng paglalambing
Akala ko'y hanggang wakas ang pag-ibig mo sa akin
Ngunit ngayo'y hindi na naririnig
Ang mahal kita'y hindi na binabanggit

Ang mahal kita'y 'di na binabanggit
Hmm, hmm-hmm-hmm
Hmm, hmm-hmm-hmm