Kung maligaw sa galaw ng mundo
Hanapin mo ko
Kung nalulunod na sa ilog
Ako'y languyin, ako'y sagipin

Narito ang puso ko
Pirapiraso ngunit iyo
Iyong Iyo
Sa mga bagay na di hindi maipaliwanag
Sa king dilim, ika'y maging liwanag
Di kailangan ng ginto o paraiso'y ipangako
Ikaw lang ang tanging kailangan
Tanging Kailangan

Nilalakbay tulay ng lumbay
Tanggap ko, mundo'y hindi perpekto
Katulad ko na natututo
Kahit mahirap
Ako'y mangangarap

Narito ang puso ko
Pirapiraso ngunit iyo
Iyong Iyo

Sa mga bagay na di hindi maipaliwanag
Sa king dilim, ika'y maging liwanag
Di kailangan ng ginto o paraiso'y ipangako
Ikaw lang ang tanging kailangan
Tanging Kailangan

Sa mga bagay na di hindi maipaliwanag
Sa king dilim, ika'y maging liwanag
Di kailangan ng ginto o paraiso'y ipangako
Ikaw lang ang tanging kailangan
Tanging Kailangan

Narito ang puso ko
Pirapiraso ngunit iyo
Iyong Iyo