Parang kay bilis naman nating Nawalan ng gana Araw, dapithapon Magdamag kang Hinahanap sa pagbangon Mas pipiliin ko pang punasan Ang kasinungalingan mo sa 'yong labi Kesa sa 'di tapat mo na luha O tila tinatahak lamang natin ang tadhanang 'Di naman ako ang 'yong kahati Sana 'di mo na pakawalan Nangangalay ang aking bisig Kakaalay sa 'king pag-ibig (Ang nasa 'king damdamin Ikaw lang) Oh dito lang naman nakatutok Bakit parang lahat ay gumuho Habang ako'y kumakapit Nangangawit na rin Sa 'yong alaala Na parang naiipit Hanggang kelan muli ang huling sandali Sa'n na 'ko uuwi O tila tinatahak lamang natin ang tadhanang 'Di naman ako ang 'yong kahati Sana 'di mo na pakawalan Nangangalay ang aking bisig Kakaalay sa 'king pag-ibig 'Di naman sa 'di na nais Na minamahal... Sadyang 'di mawaring Lumipas ang sa 'tin Saan ka hahanapin Nasa 'king damdamin lang lahat (ohh) Ba't 'di mo 'ko dinggin (ang nasa 'king damdamin) Nakakaabala ba ko sa 'yong Mga panalangin 'Di naman sa 'di na nais na dinadasal, ohh Wala na ngang sa 'tin 'Di kinaya ng dalangin Parang kay bilis naman nating Nawalan ng tahanan