Naghihirap sa buong linggo
Araw-araw sa trabaho mo
Ulit-ulit ang pinagagawa
Sawang-sawa ka na

Sige pare banat ng buto
Nang mapansin sana ng amo
Na masipag ka at matiyaga
Sipsip sa kumpanya

Ngunit pagdating ng Sabado
Kalimutan muna'ng trabaho
Halina't magwala na tayo
Sumama sa barkada halina't magwala na
Sabado na pare ko

Puro deadline na dapat abutin
Daming utos na dapat tapusin
Kayod ng kayod, 'di napapagod
Puro na lang overnight

Balang araw darating kaya
Ang pag-asenso ko sa kumpanya
'Di na janitor, supervisor na
Matutuloy kaya

Excuse me sir ngunit Sabado na (Sabado)
Trabaho ko ay tapos na (Wala na)
Halina't mag-enjoy na tayo (Dige na)
Sumama sa barkada tayo't magwala na
Sabado na pare ko (Yeah yeah yeah yeah yeah)

Excuse me sir ngunit Sabado na (Sabado)
Trabaho ko ay tapos na (Wala na)
Katapusan na ng linggo (Sige na)
Halina't mag-enjoy na tayo

Katatanggap ko lang ng sahod ko (Oh)
May panggastos na ako (Tara na)
Kalimutan muna'ng trabaho (Wala na)
Halina't magwala na tayo (Sige na)

Sumama sa barkada tayo't magwala na
Sabado na pare ko (Aw)