Bawat sandali
Ng aking buhay
Umaga't gabi
Ikaw ay nasa isip ko
Ngiti ng labi
Ningning ng 'yong mata
Anyong kayumanggi
Hugis ng iyong mukha

Mula no'ng bata pa ako
Hangga't ngayong binata na
Ikaw na ang aking tadhana

Walang nagbago, heto pa rin ako
Nagmamahal sa iyong tunay
Maaasahan mo ako
Maaasahan mo ako

Sikat ng araw
Asul ng langit
Puti ng ulap
At lamig ng hangin
Tila tumitingkad
Kapag kasama ka
Kay yaman ng buhay
'Pag tayo'y dal'wa

Problema'y kayang-kaya
Hirap ay nawawala
Ang kalooban ko ay buo

O heto ako, umiibig sa 'yo
Pagmamahalan na tunay
At walang hangganan
Maaasahan mo ako
Maaasahan mo ako
Oh-oh

Magbago man ang panahon
'Di pa rin magmamaliw
Ang pag-ibig natin, o giliw

Oh, heto ako, nagmamahal sa'yo
Sa hirap at sa ginhawa
Sa gabi't umaga
Maaasahan mo ako
Pagmamahalan na tunay
At walang hangganan
Ako'y nagmamahal sa'yo