Mahal na mahal ko siya
Ngunit 'di niya ito alam
Sa kilos ko at galaw
Ay hindi niya mararamdaman
Mahal na mahal ko siya
'Di malaman ang gagawin
Kailangang malaman niya
Upang ako'y mahalin niya rin

Mahal niya kaya ako
Bakit 'di siya nagsasalita
Sa tuwing kausapin ko
Ay palaging mukhang tulala
Mahal na mahal ko siya
'Di malaman ang gagawin
Kailangang malaman niya
Upang ako'y mahalin niya rin

Ilang araw pa ba mahal
Ang sasayangin mo
Ilang gabing ikaw lang
Ang nasasaisip ko
Kailan kaya magtatagpo
Ang isip at puso
Kailangan bang bigla
O dahan-dahan
Ang paghawak ng kamay
Ang pagdapo ng halik
Ang pagtitig na nagsasabing

Mahal na mahal kita
Kahit 'di mo ito alam
Sa kilos ko at galaw
Ay hindi mo mararamdaman
Mahal na mahal kita
'Di malaman ang gagawin
Kailangang malaman mo
Upang ako'y mahalin mo rin

Mahal na mahal kita
'Di malaman ang gagawin
Kailangang malaman mo
Kailangang malaman mo
Kailangang malaman mo
Upang ako'y mahalin mo rin

Kailangang malaman mo
Upang ako'y mahalin mo rin